MADRID, Spain – Sa kagustuhan ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan na manalo ang Gilas Pilipinas bago ang kanilang huling laro laban sa Senegal ay nagpadala siya ng ilang text messages kay Gilas coach Chot Reyes.
“Well, honest ako sa kanya. I’ve always been honest naman sa kanya. Clearly, it puts him under a lot of pressure,” sabi ni Pangilinan sa pagpaparamdam niya ng pagkadismaya kay Reyes.
“My final message was, look, I know you can’t guarantee a win against these huge teams in FIBA because they’re the best 23 countries in the world but we owe our countrymen a lot for their support. The least that you can do is repay them with a win,” dagdag pa ng SBP chief.
Nalusutan ang Senegal sa overtime, sinabi ni Pangilinan na masaya siya para kay Reyes at maging sa koponan.
Partikular siyang nasiyahan dahil ang panalo ng Gilas ang nagbigay ng karangalan sa bansa.
“I was telling Chot yung suporta sa team has payback time. If you keep on losing, at some point magsasawa ‘yan. We want to make sure that that support stays,” ani Pangilinan, tiniyak na mananatili ang kanyang suporta sa Gilas Pilipinas.