^

PM Sports

Phl may kinatawan pa sa World Cup

NBeltran - Pang-masa

MADRID – Laglag na ang Gilas Pilipinas sa kon­tensyon ngunit may ki­natawan pa ang bansa sa 2014 FIBA World Cup.

Ito ay sa katauhan ni Fer­dinand “Bong” Pascual na napasama sa lista­han ng mga referees na na­mamahala sa knockout games ng world meet dito at sa Barcelona.

Si Pascual, tubong Nue­va Ecija at ngayon ay na­kabase sa Valenzuela, ay ang tanging Asian refe­ree na nangangasiwa sa mga laro.

Ang 38-man officia­ting roster ay naging 20 at hinati sa dalawang grupo.

Ang Group A ay nasa Madrid at ang Group B ay nasa Barcelona.

Mula sa Bilbao kung sa­an siya namahala sa mga laro ng USA, Tur­key, Uk­raine, New Zea­land, Do­minican Re­pub­lic at Fin­land sa Group C ay lu­mi­pat si Pascual sa Barcelona para makasama ang mga referees mula sa US, Argentina, Latvia, Serbia, Brazil, France, Greece, Spain at Angola.

Ang mga mamamahala sa Madrid ay ang mga referees buhat sa US, Me­xico, Ukraine, Italy, Croa­tia, Canada, Puerto Rico, Slo­venia at Germany at Aus­tralia.

ANG GROUP A

GILAS PILIPINAS

GROUP B

GROUP C

NEW ZEA

PUERTO RICO

SHY

SI PASCUAL

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with