MVP inalok ng puwesto sa FIBA Board
SEVILLE, Spain – May isa pang achievement ang Philippines sa 2014 FIBA World Cup dahil inalok si Samahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangi-linan na maupo sa FIBA Central Board.
“I’ve been invited to the Central Board of FIBA and I’m inclined to accept,” sabi ni Pangilinan sa farewell dinner ng Philippine contingent dito.
Malaking achievement ito dahil walang Pinoy na umupo sa FIBA Central Board ng matagal na panahon na.
Ang FIBA ay nagdaos ng assembly meeting dito kung saan nagkaroon ng eleksiyon ng mga bagong opisyal. Si Horacio Muratore ng Argentina ang bagong FIBA president, kapalit ni Yvan Mainini ng France.
Dati-rati, ang FIBA Central Board ay binubuo ng 23 members at nagpupulong ng dalawang beses sa isang taon. Kapag nakapasok si Pangilinan sa board, magkakaroon na siya ng voting rights. (NB)
- Latest