La Salle kontra UST sa Finals ng beach volley

MANILA, Philippines -  Itinakda ng De La Salle University ang kanilang women’s championship show­down ng University of Santo Tomas matapos pa­talsikin ng tambalan ni­na Kim Fajardo at Cyd De­mecillo ang Adamson University, 21-11, 21-14, sa UAAP Season 77 beach volleyball tournament kahapon sa UE Caloocan sand court.

Nagpilit sina Amanda Villanueva at Marleen Cortel na ihatid sa tagumpay ang Lady Fal­cons, ngunit mas nangi­babaw ang at­tac­king game at com­bi­nation plays nina Fajar­do at De­mecillo para sa La­dy Spi­kers.

Lalabanan ng La Salle tandem sina rookie Cherry Rondina at Rica Rivera ng UST para sa Finals bukas sa ganap na alas-9:30 ng umaga.

Bitbit ng España-ba­sed spikers ang ‘thrice-to-beat’ advantage matapos walisin ang kanilang seven-game eliminations.

Hangad ng Tigresses ang kanilang ikatlong korona na papantay sa  Lady Falcons.

Puntirya ng Lady Spi­kers ang kanilang kauna-unahang titulo sa sand court.

Nauna nang sinibak ng Lady Falcons ang Far Eastern University Lady Tams, 21-13, 21-15, sa unang stepladder match.

Sa men’s class, inayos ng UST at ng National Uni­versity ang kanilang Finals rematch matapos ma­naig sa kanilang mga la­ro sa Final Four.

 

Show comments