USA dinomina ang Dominicans patungo sa Round of 16

BILBAO, Spain -- Ina­sahan sila sa Barcelo­na. At umaasa silang ma­tatapos ang kanilang bi­yahe sa Madrid.

Inangkin ng Americans ang No. 1 seed sa Group C matapos ang ka­nilang 106-71 victory pag­giba sa Dominican Re­public sa 2014 FIBA World Cup.

Kumamada si Kenneth Faried ng 16 points pa­ra sa U.S.  at nagdagdag ng 13 si DeMarcus Cou­sins mula sa bench.

Tatapusin ng Americans ang kampanya sa Group C sa pagharap sa Uk­raine kung saan magki­kita sina U.S. coach Mike Krzyzewski at kanyang kaibigan na si dating NBA coach Mike Fratello.

Magsisimula ang Round of 16 sa Sabado sa Bar­celona.

Ilang panalo pa at ma­pa­palaban ang US para sa gold medal sa Madrid.

“Obviously we have to take care of here. No­thing’s given,” sabi ni forward Rudy Gay. “We’ve worked hard, we’ve been tested and we’ve overcome that, and also got some pretty big wins.”

Lumamang ang Ame­ricans ng tatlong puntos sa first quarter bago dominahin ang Dominicans sa sumunod na tatlong yugto.

Tumipa si Victor Liz ng 15 points para sa Do­mi­nican Republic (2-2) at susunod na lalabanan ang Turkey sa hangaring ma­kapasok sa Round of 16.

Naglaro ang Dominicans nang wala si Houston Rockets forward Fran­cisco Garcia.

Nagka­roon si Garcia ng ankle injury sa ka­nilang panalo kontra sa Fin­land noong Martes.

 

Show comments