Gilas Pilipinas wagi sa Senegal kinuha ang unang panalo sa overtime

SEVILLE, Spain – Huling nanalo ang Pilipinas sa FIBA World Cup noong 1974.

Kagabi ay muli itong natikman ng bansa matapos talunin ang Senegal sa overtime, 81-79, sa huling laro nila sa Palacio Municipal de Deportes San Pablo.

Nauna nang yumukod ang Nationals sa Croatia via overtime, 78-81; sa Greece, 70-82; sa Argentina, 81-85, at sa Puerto Rico, 73-77, sa Group B.

Huling nanalo ang bansa sa FIBA World Cup no­ong 1974 matapos gibain ang Australia, 101-100, at ang Central African Republic, 87-86.

Laban sa Senegal, ang ikalawang koponang may pi­­nakamababang ranggo sa world meet sa pagiging No. 41 matapos ang Pilipinas (No. 34), nagtayo ang Na­tionals ng isang 13-point lead, 35-22, sa 2:36 ng second period.

Naipuwersa ng Senegal, nalasap ang kanilang ikatlong kabiguan sa limang laro ngunit pasok pa rin sa Round of 16, ang overtime period sa 64-64 mula sa three-point shot ni Maleye Ondoye sa 33.1 segundo.

Nagmintis si LA Tenorio sa kanyang tirada sa pagtunog ng final buzzer sa regulaiton.

Mula dito ay kinuha ng Gilas Pilipinas ang 77-71 bentahe sa natitirang 45.4 segundo sa overtime.

Naipanalo ng Nationals ang laro nang wala si naturalized center An­dray Blatche na na-foul out sa 1:55 minuto ng overtime.

GILAS PILIPINAS 81 - Blatche 18, Alapag 18, Fajar­do 15, Norwood 7, Lee 6, Aguilar 6, Tenorio 5, Chan 4, Pingris 0, David 0.

Senegal 79 - Faye 20, Dieng 13, Ndoye 13, Ndour 13, Dalmeida 9, Ndiaye 5, Thomas 2, Diop 2, Badji 2.

Quarterscores; 13-19; 37-24; 49-44; 64-64; 81-79 (OT).

 

Show comments