Perpetual, Jose Rizal nagsosyo sa No. 3 seat

MANILA, Philippines - Binawian ng Perpe­tual Help Altas ang Arellano, 101-86, na si­nabayan ng 67-43 panalo ng host Jose Rizal University sa Lyce­um pa­ra humigpit ang bakba­kan sa unang dalawang pu­westo sa 90th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Parehong umangat sa 8-4 karta ang Altas at Hea­vy Bombers.

Pinagtibay ni Earl Scot­tie Thompson ang pagiging dominanteng manlalaro matapos itala ang ika­lawang triple-double sa season sa 11 puntos, 10 re­bounds at 10 assists.

Sina Harold Arboleda at Juneric Baloria ay may 28 puntos, 12 rebounds at 7 assists ang una, habang may 26 puntos ang huli.

Sa second half kuma­wala ang Altas at si Balo­ria ay may 13 puntos sa ikatlong yugto upang ang limang puntos na abante ay lumawig sa 84-69.

May double-double na 13 puntos at 10 rebounds si Michael Mabulac para sa Heavy Bombers na na­nalo sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Si Philip Paniamogan ang nanguna sa pagpuntos sa host team sa kanyang 23 puntos.

 

Show comments