Perpetual, Jose Rizal nagsosyo sa No. 3 seat
MANILA, Philippines - Binawian ng Perpetual Help Altas ang Arellano, 101-86, na sinabayan ng 67-43 panalo ng host Jose Rizal University sa Lyceum para humigpit ang bakbakan sa unang dalawang puwesto sa 90th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Parehong umangat sa 8-4 karta ang Altas at Heavy Bombers.
Pinagtibay ni Earl Scottie Thompson ang pagiging dominanteng manlalaro matapos itala ang ikalawang triple-double sa season sa 11 puntos, 10 rebounds at 10 assists.
Sina Harold Arboleda at Juneric Baloria ay may 28 puntos, 12 rebounds at 7 assists ang una, habang may 26 puntos ang huli.
Sa second half kumawala ang Altas at si Baloria ay may 13 puntos sa ikatlong yugto upang ang limang puntos na abante ay lumawig sa 84-69.
May double-double na 13 puntos at 10 rebounds si Michael Mabulac para sa Heavy Bombers na nanalo sa ikalawang sunod na pagkakataon.
Si Philip Paniamogan ang nanguna sa pagpuntos sa host team sa kanyang 23 puntos.
- Latest