Balkman gustong bumalik sa Pilipinas
SEVILLE, Spain – Naaalala n’yo pa ba si Renaldo Balkman?
Ang six-year NBA veteran na pinatawan ng lifetime ban ng PBA dahil sa pagwawala tampok ang pagsakal sa kanyang Petron teammate na si Arwind Santos sa PBA Commissioner’s Cup, ang isa sa mga nangungunang players na naglalaro sa Group B sa 2014 FIBA World Cup.
Kagaya ng Gilas Pilipinas, may 0-2 record din si Balkman at ang kanyang Puerto Rico.
Maghaharap ang Nationals at ang mga Puerto Ricans, kasama si Balkman, bukas ng ala-1:30 ng hapon (alas-7:30 ng gabi sa Manila) sa Centro Deportivo San Pablo.
“We’ve got Greece tomorrow (kagabi) then get to rest before the Philippines. I’m looking forward to it as any other game,” sabi ni Balkman.
Sa kanyang hotel ay nagkausap sina Balkman at dating kakamping si June Mar Fajardo.
“I talk to him. I talk to him everyday,” sabi ni Balkman na walang anumang galit sa PBA. “I love Manila. That’s a great city.”
Ngunit ang kanilang laro laban sa Gilas Pilipinas ay ibang istorya.
Sa pagkakaroon ng dalawang starters na may injury, si Balkman ang aasahan ng Puerto Rican.
“I’ve got to get our guys going. We’ve lost two players. The bench has got to come out. That’s my focus right now,” ani Balkman kina guard Carlos Arroyo at wingman Angel Vassallo.
“Anything is possible. Anything can happen,” dagdag nito.
- Latest