Team USA nahirapan sa Turkey

BILBAO, Spain -- Ini­sip nilang mas magandang simpleng talunin ang Turkey kagaya ng ka­nilang gi­nawa sa Finland kama­kalawa.

Ngunit ang mga Ame­ricans ang nalagay sa ba­lag ng alanganin sa unang tatlong yugto.

“I guess we felt like last night’s game was pretty easy and tonight was going to be the same way, but Turkey came out and they gave us their punch from the beginning,” sabi ni forward James Harden. “We took it and we were sluggish. That second half we played a lot better.”

Nagposte si Kenneth Fa­ried ng 22 points, habang iniskor ni Anthony Da­vis ang lahat ng kanyang 19 markers sa se­cond half para tulungan ang Team USA sa 98-77 pa­nalo laban sa Turkey sa 2014 FIBA World Cup.

Isang araw matapos du­rugin ang Finland ng 59 points, nabigong kontrolin ng Americans ang Tur­key bago kumamada sa fourth quarter mula sa isang 17-1 atake.

Lumamang ang Turkey sa halftime, 40-35 at may 6-point lead sa third pe­riod hanggang maka­por­ma ang US sa fourth quarter sa kanilang rematch ng 2010 gold-me­dal game sa Istanbul.

Nagtabla sa 59-59 sa 3:10 minuto sa third pe­riod kasunod ang 7-1 ka­ma­da ng Americans para sa ka­nilang 66-60 abante.

Binuksan ng US ang fourth period na taglay ang 76-60 kalamangan sa Tur­key.

Samantala, tinalo ng Do­minican Republic ang New Zealand, 76-63; gi­niba ng Finland ang Uk­raine, 81-76; at binigo na­­man ng France ang Serbia, 74-73.

 

Show comments