Donaire tiyak na mapapabagsak ni Nicholas

MANILA, Philippines - Mananalo si Nicholas Walters kay World Bo­xing Association (WBA) fea­therweight champion Nonito ‘The Filipi­no Flash’ Donaire, Jr. sa pa­mamagitan ng knckout.

Ito ang deklarasyon ng Panamanian trainer ni Walters na si Celso Cha­vez.

“Nicholas is in the prime of his career without abusing our confidence, I think the fight will not reach the limit,” sa­bi ni Chavez.

Ang banggaan nina Do­naire at Walters ay na­sa undercard ng laban ni­na world middleweight king Gennady Golovkin at Marco Antonio Rubio sa Oktubre 18 sa StubHub Center sa Carson, California.

Si Donaire, hinirang na 2012 Fighter of the Year, ay nagdadala ng 33-2-0 win-loss-draw ring re­cord kasama ang 21 knockouts, habang taglay ni Walters ang malinis na 24-0-0 (20 KOs).

Sinikwat ni Donaire, tu­bong Talibon, Bohol, ang WBA featherweight title matapos ang kanyang technical decision win kontra kay Simpiwe Vet­yeka noong Mayo 31 sa Macau, China.

Sa nasabi ring boxing card ay pinatumba ni Walters si Vic Darchinyan sa fifth round.

Ito ang ikaapat na su­nod na KO victory ni Wal­ters at ika-10 sa huli ni­yang 11 laban.

Dalawang beses namang pinabagsak ni Do­naire si Darchinyan, da­ting world flyweight titlist, sa kanilang dalawang ulit na paghaharap.

 

Show comments