Archers sumosyo sa No. 2 spot

MANILA, Philippines - Humakot si import Charles Mammie ng season-high na 22 points at 10 rebounds para palakasin ang laban ng host UE Red Warriors sa puwesto sa Final Four mula sa 64-55 panalo sa National Uni­versity Bulldogs sa 77th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Bago ang larong ito ay naghahatid lamang ang 6-foot-8 center ng 10 points at 9.9 rebounds ave­rage at ang pag-step up niya ang nagsantabi pa­ra hindi maramdaman ang hindi paglalaro ni Roi Sumang na binigyan ng disciplinary action matapos ang di pagsipot sa practice game.

Isang 9-0 bomba ang gi­nawa ng Bulldogs sa pag­sisimula ng huling yug­to para makadikit sa 39-38, pero sina Gino Jumao-as at Ronnie de Leon ay tumira ng tig-isang triple, habang si Mammie ay may anim na puntos para ibalik ang 11 puntos kalamangan, 59-48, at iakyat ang baraha sa 6-5.

Pinangatawanan naman ng nagdedepensang La Salle ang estado sa 66-57 panalo sa Adamson para saluhan ang karibal na Ateneo.

Sina Jason Perkins, Je­ron Teng at Almond Vo­sotros ay nagsanib sa 43 puntos para sa panalo ng Green Archers.

 

Show comments