^

PM Sports

Matapos magpakitang-gilas kontra Croatia Nationals handa sa Argentina

Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

SEVILLE, Spain – Determinado ang Gilas Pilipinas na mapatunayang karapat-dapat silang maglaro sa 2014 FIBA World Cup.

Ito ay sa kanilang pagharap sa Argentina sa ka­ni­lang ikatlong laro sa Group B sa Centro Deportivo San Pablo (ngayong alas-11:30 ng gabi sa Manila).

Ang kanilang ipinakita laban sa Croatia noong Sa­bado ay isang mensahe na nararapat sila sa world meet.

Tinakasan ng mga Croatians sa overtime, 81-78, mas relaks ngayon ang Nationals na sasagupa sa mga Ar­gentines.

“We’ll be better,” sabi ni veteran playmaker Jim­my Alapag sa Gilas Pilipinas.

“One thing about it is that we are confident now. We now know that we belong and we can keep our heads up,” wika naman ni naturalized player Andray Blatche.

 Ayon kay Dominican Republic assistant coach Bill Bay­no, dating mentor ng Talk ‘N Text sa PBA, puwedeng manalo ang Gilas Pilipinas sa Argentina.

Kumpiyansa rin si Bayno na tatalunin ng Gilas Pi­lipinas ang Senegal.

Napanood na ni Bayno ang laro ng Nationals sa ka­nilang tune-up match sa Guadalajara.

Isa ring assistant coach ng Toronto Raptors sa NBA, pamilyar si Bayno sa mga koponan ng Pilipinas at Argentina at maging sa FIBA American team na Do­minican Republic.

Sinabi ni Bayno na hindi masyadong malakas ang Ar­gentina, ang 2004 Olympic champion, kumpara no­ong nakaraang mga taon. 

Noong 2013 FIBA Americas sa Caracas, Venezuela, ginulat ng Dominicans ang Argentines, 91-72, sa ka­nilang second-round meeting bago nakabawi ang hu­li sa kanilang 103-93 panalo para sa bronze medal.

Aminado ng Argentine team na hirap sila dahil sa pagkawala nina top guns Manu Ginobili at Carlos Del­fino.

“I think with Ginobili, Delfino and the complete team, we expect to fight for third place. Right now, I don’t think we have enough potential in the team to think (to be) in the Top Four,” sabi ni star point guard Pablo Prigioni.

“Well, the golden generation is a couple of guys. We’re almost done. We have so many new guys, so ma­ny young players,” ani Prigioni kina Matias Borto­lin, Facundo Campazzo, Marcos Delia at Tayavek Gal­­­­lizzi na may edad na 23-anyos pababa.

Sa 98-75 tagumpay ng Argentina sa Puerto Rico ay ku­molekta si Luis Scola ng 20 points at 9 rebounds, ha­bang may 11 at 10 sina Andres Nocioni at Prigioni, ayon sa pagkakasunod.

Bago ang Argentina ay lalabanan muna ng Gilas Pilipinas ang Greece (ngayong alas-2 ng madaling-araw sa Manila).

Ipaparada ng Greece sina NBA players Nick Ca­la­thes (Memphis Grizzlies), Kostas Papanikolaou (Hous­ton Rockets) at Giannis Antetokoumpo (Mil­wau­kee Bucks).

 

ANDRAY BLATCHE

ANDRES NOCIONI

BAYNO

BILL BAY

CARLOS DEL

CENTRO DEPORTIVO SAN PABLO

DOMINICAN REPUBLIC

GILAS PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with