Army wawalisin ang Cagayan para angkinin ang korona

LARO NGAYON

(The Arena, San Juan)

12:45 p.m.- PLDT vs Air Force

2:45 p.m.- Army vs Cagayan Valley

 

MANILA, Philippines - Hindi na pakakawalan ng Lady Troopers ang pag­kakataon nilang mu­­ling magreyna sa Sha­key’s V-League.

Pipilitin ng Philippine Army na walisin ang nag­de­depensa sa koronang Ca­gayan Val­ley ngayong alas-2:45 ng hapon sa Game Two ng kanilang best-of-three championship series sa Sha­key’s V-League Season 11 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Nauna nang kinuha ng Lady Troopers ang 25-19, 18-25, 25-18, 25-5 panalo sa Game One noong Huwebes para sa kanilang 1-0 abante sa serye.

Nagkampeon ang Ar­my sa Season 8 noong 2011.

Kung mananalo ang Cagayan at maitatabla ang serye ay idaraos ang Game Three sa Setyembre 7 sa nasabi ring venue.

“Gusto na naming ta­pusin ito (serye) kasi mag­lalaro din kami sa AFP Olympics,” sabi ni coach Ri­co De Guzman.

Ang Lady Troopers ang magdedepensa ng korona sa AFP Olympics.

Hindi naman nawawalan ng pag-asa si Cagayan mentor Nes Pamilar na maitatabla nila ang serye.

Si Nes Pamilar ang gumiya sa Ri­sing Suns sa 16-sweep pa­ra angkinin ang korona no­ong nakaraang season.

Muling ibabandera ng Army sina Open Confe­rence Most Valuable Pla­yer Rachel Ann Daquis, Jo­velyn Gonzaga, MJ Bal­se, Nerissa Bautista at ve­teran playmaker Tina Sa­lak.

Itatapat naman ng Cagayan sina Aiza Maizo, Angeli Tabaquero, Janine Marciano, Pau Soriano, Rosemarie Vargas, Wenneth Eulalio, Gyzele Sy, Joy Benito, Relea Saet at dating Adamson star Shiela Pineda.

Sa unang laro sa alas-12:45 ng tanghali ay pipilitin ng Air Force na walisin ang PLDT Home Telpad para sa third place trophy.

 

Show comments