Nakabalik agad ang Jose Rizal

MANILA, Philippines - Nakabalik agad ang host Jose Rizal University Heavy Bombers sa pakikisalo sa ikatlong puwesto kasama ang dalawang pahingang koponan nang ilampaso ang pilay na Emilio Aguinaldo College Generals, 73-54, sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Si Michael Mabulac ay nagdomina sa ilalim sa kanyang 18 puntos at 14 rebounds habang ang isa pang beterano na si Philip Paniamogan ang nagpasiklab sa malakas na pa-nimula ng Heavy Bombers para sungkitin ang ikapitong panalo matapos ang 11 laro.

Pinawi rin ng panalo ang masaklap na 77-84 overtime na pagkatalo sa Letran Knights sa huling laro.

“Talagang gusto nilang bumawi at makikita mo sa laro ang kanilang determinasyon,” wika ni winning coach Vergel Meneses.

Walong puntos ang ginawa ni Paniamogan para pagningasin ang 22-2 pani-mula. Hindi na nakabawi pa ang Generals na patuloy na hindi nagagamit ang serbisyo ng 6’8” center Noube Happi bunga ng pananakit ng likod.

May 12 puntos si Pa-niamogan habang sina Jaycee Asuncion at Gio Nicole Lasquete ay naghatid pa ng 14 at 10 puntos.

Sina Jan Jamon at Je-rald Serrano ay tumapos taglay ang tig-16 puntos para sa Generals na nakadikit hanggang 12 puntos, 44-32 sa ikatlong yugto.

Ngunit dalawang sunod na three-pointers ang kinamada ni Asuncion para lumayo uli ang JRU sa 19 puntos, 59-41.

May ipinagmalaki pa rin ang Mapua Cardinals dahil dumalawa sila sa San Sebastian Stags sa 75-73 panalo sa ikalawang laro.

Si Andrew Estrella ang bumasag sa huling tabla sa 73-all bago naglapat ng magandang depensa ang Cardinals para kapusin ang drive ni Jaymar Perez tu-ngo sa ika-2 panalo matapos ang 12 laro ng Mapua.

May 14 puntos si Estrella tulad ni Hesed Gabo na may limang steals pa habang sina Carlos Isit at Joseph Eriobu ay may tig-12 at sina Exeqiel Biteng at Jeson Cantos ay nagsanib sa 15 puntos.

Tumapos si Perez taglay ang 26 puntos para sa Stags na hindi napangalagaan ang 14 puntos kalamangan sa first half para lasapin ang ikawalong sunod na kabiguan tungo sa 3-9 baraha. (AT)

 

JRU 73 -- Mabulac 18, Asuncion 14, Paniamogan 12, Lasquety 10, Abdulwahab 9, Benavides 9, Salaveria 1, Astilla 0, Sanchez 0, Muñez 0, Grospe 0, Teodoro 0.

EAC 54 -- Serrano 16, Jamon 16, Onwubere 9, Tayongtong 7, Saludo 4, Arquero 2, Aguilar 0, Santos 0, Mejos 0, General 0, Quilanita 0.

Quarterscores: 24-7, 41-23, 59-45, 73-54.

Mapua 75- Gabo 14, Estrella 14, Isit 12, Eriobu 12, Biteng 8, Cantos 7, Saitanan 4, Canaynay 2, Villasenor 2

San Sebastian 73- Perez 26, Dela Cruz 16, Guinto 12, Ortuoste 11, Camasura 3, Yong 3, Calisaan 2, Balucanag 0, Fabian 0, Costelo 0, Aquino 0, Mercado 0

Quarterscores: 23-18; 42-32; 57-53; 75-73

Show comments