Pagkikita ng US at Spain inaabangan ng marami
MANILA, Philippines - Nakita ang U.S. at Spain sa klasikong laban sa hu-ling dalawang Olympic gold-medal games kung saan parehong nangibabaw ang mga Amerikano at marami ang matutuwa na mapanood uli ang dalawang team sa FIBA World Cup of Basketball.
Mangyayari ito kung pareho silang makakaabot sa Sept. 14 championship game sa Madrid bilang mga world No. 1 at No. 2 teams.
Ang US at Spain ay nalagay sa magkahiwalay na bracket ng 24-team tournament.
Ang Spain ay pangungunahan ng magkapatid na NBA players na sina Pau at Marc Gasol kasama sina Serge Ibaka at Ricky Rubio.
Pambato naman ng US team ang kanilang mga NBA superstars na sina Stephen Curry, James Harden, Anthony Davis at Derrick Rose.
Dahil dito, ang US Team pa rin ang pinapaborang magkampeon sa torneo bagama’t hindi na nakasama sa team ang mga mas de-kalibreng NBA players na umatras sa team sa pangunguna ni Kevin Durant at ng nagka-injury na si Paul George.
- Latest