^

PM Sports

Gilas vs Croatia this is it!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Huling nakapaglaro ang Pilipinas sa world stage 36 taon na ang nakalilipas.

Ngayon, ibabalik ng Gilas Pilipinas ang ala-ala ng nakaraan sa pagharap nila sa Croatia sa pagsisimula ng 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Ang Pilipinas ay nasa Group B kasama ang Croatia, Greece, Argentina, Puerto Rico at Senegal ngunit makukuntento sila na magpakita ng magandang laban na puno ng pride at dignidad dahil mabigat ang ha-mong kanilang haharapin.

Mahihirapan ang Gilas Pilipinas na tibagin ang Croatia na may average height na 6-foot-8.

Ilan sa mga naging prudokto ng Croatia, kasalukuyang No. 16 sa FIBA World Ranking, ay sina legends Drazen Petrovic, Toni Kukoc at Dino Radja.

Ang Croatia ay may silver medal sa Olympics at bronze medal sa world championship.

Kung susuwertihing manalo ng dalawang laro ang Gilas ni coach Chot Reyes ay aabante sila sa 16-team knockout stage ng quadrennial event na nagtatampok sa pinakamagagaling na national teams mula sa limang FIBA continental zones – American, Europe, Africa, Oceania at Asia.

Ang realidad ay tanging sa Senegal lang may pag-asang manalo ang Gilas Pilipinas.

Sa huling paglalaro ng Pinas sa World Cup noong 1978 sa Maynila, ang Team Phl ay naging seeded sa semifinal round ngunit nabigong manalo laban sa nagharing Yugoslavia, pumangalawang Soviet Union, pumangatlong Brazil, Italy, US, Canada at Australia.

Ang huling panalo ng bansa sa world meet ay nang talunin ang Central African Republic noong Hulyo 12, 1974 sa Puerto Rico sa kanilang 87-86 tagumpay kung saan umiskor si Bogs Adornado ng 22 points.

Ang iba pang maglalaban sa Group B sa opening day ay ang Argentina laban sa Puerto Rico.

ANG CROATIA

ANG PILIPINAS

BOGS ADORNADO

CENTRAL AFRICAN REPUBLIC

CHOT REYES

CROATIA

GILAS PILIPINAS

GROUP B

PUERTO RICO

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with