^

PM Sports

Gilas handa nang sumabak sa giyera

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naglakbay ang Gilas Pilipinas ng isang buwan, sumailalim sa isang basketbal clinic at naglaro ng 10 tune-up matches para palakasin ang koponan para makamit ang inaasam na pagpasok sa knockout stage ng 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Matapos laruin ang huli nilang warm-up game, bumiyahe patu-ngong Seville, Spain ang Gilas  kung saan nila haharapin ang unang giyera sa Group B eliminations.

Idineklara ng Gilas coaching staff ang kanilang kahandaan para sa giyera.

“We’re better. Finally, after just one month of preparation, the system and defense is starting to fall into place at the level where we need it to be,” sabi ni Gilas assistant coach Josh Reyes sa kanyang Twitter account. “Hopefully, it would give us enough of a fighting chance.”

Inilagay ng fiba.com   ang Pinas sa No. 17 sa ‘Power Ladder’ at No. 4 sa Group B sa ilalim ng Greece, Argentina at Puerto Rico at nasa itaas ng Croatia at Senegal, tatlong araw bago magsimula ang labanan sa anim na Spa-nish cities.

Ibinase ng FIBA web site ang kanilang ranking sa mga laro na ginawa ng 24 koponan simula noong Mayo 29.

Ibinilang ang mga laro ng Gilas Pilipinas sa kanilang bronze-medal showing sa FIBA-Asia Cup kung saan nila nakaharap ang mga mas magagaang  koponan kumpara sa mga makakaharap nila sa Spain.

Pinaghandaan ng Gilas Pilipinas ang kompetisyon sa kanilang mga ginawang tune-up games sa Spain at France kung saan nila nakalaban ang ACB Selection, France, Australia, Ukraine, Euzkadi-Basque, Angola, Egypt at Dominican Republic.

Nagkaroon din sila ng basketball clinic sa Mia-mi, Florida kasama sina naturalized player Andray Blatche at veteran international coach Tab Baldwin.

Tinalo ng Phl training team ang Miami Pro-Am Team, 95-74 at ang Elev8 selection, 93-84.

Sa kanilang European tour, binigo ng Nationals ang ACB team at Egypt at natalo sa France at Domi-nican Republic at inilampaso ng Australia, Ukraine, Basque at Angola.

Tinapos ng koponan ang limang sunod na kamalasan mula sa 74-65 panalo sa Egypt sa Guadalajara, Spain. Muling nakalasap ng pagkatalo ang Gilas Pilipinas sa 26th-ranked Dominican Republic.

 

 

ANDRAY BLATCHE

ASIA CUP

DOMINICAN REPUBLIC

GILAS

GILAS PILIPINAS

GROUP B

JOSH REYES

MIAMI PRO-AM TEAM

POWER LADDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with