^

PM Sports

Torres kumuha ng gold sa Singapore

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lumundag si Mares­tel­la Torres ng 6.45 metro para kunin ang gintong me­dalya sa long jump event sa idinadaos na 76th Singapore Open Track and Field Championships sa Choa Chu Kang Stadi­um sa Singapore.

Nagawa ng 4-time SEA Games gold meda­list at two-time Olympian ang marka sa ikaanim at hu­ling attempt noong Sa­bado para burahin ang na­unang pinakamala­yong talon na 6.34m sa ika­-limang jump at kunin ang ikalawang ginto sa pa­ngatlong international tour­nament na sinalihan.

Sa Hong Kong noong Hunyo unang nanalo si Tor­res sa 6.26m, habang pi­lak ang nakuha niya sa Viet­nam sa 6.14m.

Nagbabalik mula sa ma­higit isang taong pa­ma­­mahinga at noong E­ne­­ro ay nanganak, ang per­formance ni Torres ay higit sa 6.37m qualifying jump na naunang itinakda ng Asian Games Task Force para mapabilang sa pam­bansang delegasyon na lalaro sa Incheon, Korea.

Pero ayon kay Task Force member at POC chair­man Tom Carrasco, Jr., noon pang Agosto 15 na­tapos ang deadline para sa submission ng pangalan ng atleta na itinakda ng Asian Game Organi­zing Committee at hindi na maihahabol si Torres.

Noong Agosto 9 ay isi­nalang si Torres sa performance trial pero ang pi­­nakamalayong talon ay na­sukat sa 6.17m.

Ang Fil-Am na si Eric Shauwn Cray ay nag­ha­ri sa men’s 400m hur­dles sa kanyang oras na 51.60 segundo, habang si Christopher Ulboc ang  nagkampeon sa 3,000m steeplechase sa 9:16.51 tiyempo.

ANG FIL-AM

ASIAN GAME ORGANI

ASIAN GAMES TASK FORCE

CHOA CHU KANG STADI

CHRISTOPHER ULBOC

ERIC SHAUWN CRAY

NOONG AGOSTO

SA HONG KONG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with