NU inilaglag ang Ateneo; UE giniba ang Adamson

MANILA, Philippines - Mas mabangis ang Na­tional University sa ika­lawang pagharap sa Ateneo nang angkinin ang 76-66 panalo upang mag­­salo sa second spot 77th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Binulaga kaagad ng Bull­dogs ang Blue Eagles sa pamamagitan ng 22-4 pa­nimula at mula rito ay hindi na pinabayaang ma­kabangon ang katunggali para mahigitan ang 64-60 panalo sa unang tagisan.

Si Alfred Aroga ay kinapos ng dalawang blocks para sana sa triple-double na 15 puntos, 11 rebounds at walong blocks, habang si­na Jet Rosario, Gelo Alo­lino, Nico Javelona at Glenn  Khobuntin ay nagdagdag ng 14, 13, 12 at 12 puntos.

Nahirapan ang Ateneo na makabangon dahil may panagot ang NU sa bawat rally na kanilang gi­nawa.

Nasa 58-41 ang iskor sa ikatlong yugto nang maghatid ng 10 puntos si Alfonzo Gotladera sa 14-2 palitan na umabot sa unang tatlong minuto sa huling yugto para tapya­san sa lima ang kalama­ngan, 55-60.

May 11 puntos si Gotladera at si Kiefer Ra­vena ang nangunang muli sa Blue Eagles sa 18 puntos sa 7-of-21 shooting.

Dahil sa pagkatalo, na­laglag ang Ateneo mula sa pakikisalo sa unang puwes­to tungo sa panga­la­wang grupo kasama ang NU sa 7-3 baraha.

Pinaganda naman ng UE Red Warriors ang laban para sa puwesto sa Final Four nang tusukin ang Adamson Falcons,72-59, sa unang laro.

UE 72 – Galanza 20, De Leon 12, Mammie 12, Jumao-as 9, Sumang 8, Varilla 4, Arafat 4, Alberto 3, Javier 0, Guiang 0, Olayon 0, Palma 0.

Adamson 59 – Trollano 18, Ochea 12, Rios 9, Polican 9, Monteclaro 3, Iñigo 2, Villanueva 2, Garcia 2, Butron 2, Donahue 0, Barrera 0, Nalos 0, Aquino 0, Gumtang 0, Baytan 0, Pedrosa 0.

Quarterscores: 13-15; 33-34; 50-46; 72-59.

NU 76 – Aroga 15, Rosario 14, Alolino 13, Javelona 12, Khobuntin 11, Diputado 6, Alejandro 3, Neypes 2, Betayene 0, Atangan 0.

Ateneo 66 – K. Ravena 18, Newsome 12, Gotladera 11, Pessumal 8, Elorde 7, Ca­pacio 4, Babilonia 4, Do­liguez 2, T. Ravena 0, V. To­lentino 0, A. Tolentino 0, Porter 0.

Quarterscores: 24-14; 42-30; 60-47; 76-66.

Show comments