MANILA, Philippines - Tinalo ng Batang Gilas ang Qatar, 82-79, para makapasok sa quarterfinal round ng FIBA-Asia Under-18 Championship sa Al-Gharafa Sports Club sa Doha, Qatar.
Bumangon ang koponan mula sa 15-point deficit sa fourth quarter para sa kanilang panalo.
Naiwanan ng Qatar sa 53-68 sa huling walong minuto sa laro, kumamada ang Batang Gilas ng isang 10-2 atake para sikwatin ang kanilang 2-1 record sa torneo.
Umiskor si Dave Wilson Yu ng 16 points kasunod ang tig-13 nina Paul Desiderio, Ranbill Tongco at Kobe Paras.
Nilalabanan ng Nationals ang China habang isinusulat ito.