Altas giniba ang Pirates

MANILA, Philippines - Nagpakilala ang roo­kie ng Perpetual Help Al­tas na si Gab Daga­ngon nang pangunahan ang 65-60 panalo sa Lyceum Pirates sa 90th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Are­na sa San Juan City.

Ang 21-anyos na rookie mula Cotabato Ci­ty ay may kabuuang 16 puntos para mapagning­ning ang ikaanim na pana­lo sa 10 laro ng Altas.

Walang takot si Daga­ngon at ang kanyang jum­per bago matapos ang ikat­long yugto ang nagtulak sa Altas sa 50-40 kalamangan.

Lalong lumabas ang ga­ling ni Dagangon sa hu­ling 10 minuto nang ibag­sak niya ang pitong pun­tos, kasama ang isang tres, para pangunahan ang pagtatala ng koponan sa 61-46 bentahe.

Hindi naman nagpahu­li ang mga beterano ng koponan at si Justine Ala­no ay may 14 puntos, si Juneric Baloria ay may 12 at sina Harold Arboleda at Earl Scottie Thompson ay naghati sa 20 puntos.

Si Thompson na na­ngu­nguna sa karera para sa MVP ay may 15 rebounds, 4 assists at 1 steal para sa solidong numero na makakatulong para sa hi­nahangad na mapili ng mga PBA teams sa gaganapin ngayong hapon na PBA Rookie Draft.

Sina Baloria at Arbo­leda ay nakapasok din sa nasabing aktibidades.

Ito ang ikalawang sunod na pagkatalo ng Pirates sa kamay ng Altas.

May 18 puntos si Dex­ter Zamora, si Joseph Ga­bayni ay  naghatid ng 14 puntos at 10 boards.

Perpetual 65 -- Daga­ngon 14, Alano 14, Baloria 12, Thompson 10, Arboleda 10, Sadiwa 5, Olivera 0, Dizon 0, Ylagan 0, Tamayo 0, Bantayan 0, Gallardo 0, Jolangcob 0.

 LPU 60 -- Zamora 18, Ga­bayni 14, Baltazar 10, Taladua 9, Lesmoras 5, Mbidda 2, Bulawan 2, Soliman 0, Malabanan 0, Elmejrab 0, Maconocido 0.

Quarterscores: 14-10; 26-26; 50-40; 65-60.

 

Show comments