Algieri hindi aasarin si Pacquiao

MANILA, Philippines - Walang mangyaya­ring asaran sa isasa­ga­wang me­­dia tour nina world wel­terweight champion Man­ny Pacquiao at chal­len­ger Chris Algieri.

Ito ang tiniyak ni Al­gieri para sa gagawin nila ni Pacquiao na two-week media tour para sa kanilang laban sa Nob­yembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.

“I expect us to have a humble and refreshing press conference on Monday,” sabi ng 5-foot-10 na si Algieri.

Sisimulan ang natu­rang media tour nina Pacquiao at Algieri sa Lunes sa Florence Ballroom ng The Venetian.

Sa susunod na araw ay magtutungo sina Pacquiao at Algieri sa press conference sa Ballroom C ng Sheraton Shanghai Pudong Hotel sa China.

Sa Agosto 29 ay bibi­sita ang 5’6 1/2 na si Pacquiao at si Algieri sa US pa­ra makasama ang San Francisco Giants sa AT&T Park sa San Francisco.

Kasama sa US tour ang kanilang mga press con­ference sa Las Vegas sa Agosto 30, sa Hyatt Regency Cen­­tury Plaza Ho­tel sa Los Angeles sa Setyembre 3 at Setyembre 4 sa New York City.

Itataya ni Pacquiao (56-5-2, 38 knockouts) ang kanyang hawak na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown kontra kay Algieri (20-0-0, 8 KOs). (RC)

Show comments