MANILA, Philippines - Hindi gagalawin ng San Mig Coffee ang kanilang line-up para sa darating na 40th season ng PBA sa Oktubre.
Ito ang sinabi ni Tim Cone matapos tanggapin ang Baby Dalupan Trophy bilang Coach of the Year awardee sa 2014 PBA Press Corps Awards Night sa Richmonde Hotel sa Eastwood City, Libis, Quezon City noong Huwebes ng gabi.
“Winning the Grand Slam is not the end for us. We’re ready to win more,” sabi ni Cone sa kanyang speech.
Bagama’t tangan ang No. 7 pick sa 2014 Gatorade PBA Rookie Draft na nakatakda bukas sa Robinson’s Place Manila, sinabi ni Cone na hindi ito gagamitin.
Ayon kay Rene Pardo, ang kinatawan ng San Mig Coffee sa PBA board of governors, handa silang ipagpalit ang kanilang draft rights para sa future picks.
“I feel six draft hopefuls can make immediate impact in the PBA,” wika ni Cone tungkol kina Stanley Pringle, Matt Ganuelas, Chris Banchero, Kevin Alas, Ronald Pascual at Jake Pascual.
Pinuri naman ni SMC president Ramon S. Ang, ang Executive of the Year awardee, si Cone sa pagbibigay sa San Mig Coffee ng four-peat.
“He’s the best coach I’ve known,” wika ni Ang kay Cone. “He’s still young. I won’t be surprised if he ends up in the NBA.”