MANILA, Philippines - Tunay na tumaas na ang kumpiyansa ng Letran nang kalusin ang Jose Rizal University, 84-77, sa overtime para sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa 90th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Si Mark Cruz ay may 26 puntos, 5 steals at 2 assists at 10 puntos ang kanyang inihatid sa extention para masundan ng Knights ang 64-53 pananaig sa four-time defending champions na San Beda Red Lions sa pagtatapos ng first round.
Magkasunod na three-pointers ang pinakawalan ni Cruz para itulak ang Knights sa 78-70 kalamangan.
Nakalapit sa tatlo ang Heavy Bombers, 75-78, pero tinapos ni Cruz ang labanan sa apat na magkakadikit na free throws upang ibigay sa tropa ni coach Caloy Garcia ang kanyang kauna-unahang back-to-back wins sa season tungo sa 4-6 baraha.
Si Philip Paniamogan ay may 26 puntos pero nagkaroon siya ng cramps para magtala na lamang ng dalawang puntos sa huling yugto at overtime at makitang maputol ang kanilang four-game winning streak.
May 6-4 karta ngayon ang Jose Rizal at sinaluhan sila sa ikatlong puwesto ng St. Benilde matapos ang 83-76 tagumpay sa Emilio Aguinaldo College sa ikalawang laro.
Sina Paolo Taha, Jonathan Grey at Mark Romero ay gumawa ng 24, 14 at 10 puntos para pangunahang muli ang Blazers at maipaghiganti ang 72-81 pagkatalo sa Generals sa unang pagkikita. (ATan)
Letran 84 - Cruz 26, Nambatac 21, Tambeling 12, Quinto 8, Racal 7, Gabawan 5, Saldua 3, Ruaya 2, Luib 0, Dela Peña 0, Singontiko 0, Publico 0.
Jose Rizal 77 - Paniamogan 26, Abdul Wahab 13, Mabulac 10, Lasquety 8, Sanchez 6, Teodoro 5, Asuncion 4, Grospe 3, Benavides 2, Balagtas 0.
Quarterscores: 9-14; 34-33; 58-57; 70-70; 84-77 (OT).
St. Benilde 83 - Taha 24, Grey 14, Romero 10, Ongteco 9, Bartolo 7, Jonson 6, Mercado 3, Nayve 2, Pajarilla 2, Saavedra 2, Deles 2, Sinco 1, Altamirano 1.
EAC 76- Onwubere 19, Aguilar 17, Tayongtong 15, Jamon 11, Serrano 9, Arquero 5, Santos 0, Mejos 0, Saludo 0, Pascual 0.
Quarterscores: 16-16; 39-35; 63-55; 83-76.