Castro ‘di malubha ang injury

MANILA, Philippines - Nakatanggap ng magandang balita ang Gilas Pili­pi­nas, nakalasap ng apat na sunod na kabiguan para sa kanilang paghahanda sa 2014 FIBA  World Cup.

Ito ay matapos makaligtas sa mabigat na injury si ace guard Jayson Castro, bumagsak sa isang bahagi ng kanilang tune-up match laban sa Euzkadi-Basque team noong Miyerkules ng gabi sa San Sebastian, Spain.

Sinabi ni Gilas Pilipinas assistant coach Josh Reyes sa kanyang Twitter account na walang nakitang structural damage sa kanang paa ni Castro base sa MRI test.

Inaasahang ipapahinga ang Talk ‘N Text stalwart sa kanilang susunod na mga warm-up games para sa FIBA World Cup na magsisimula sa Agosto 30.

May tatlo pang tune-up game matches ang Natio­nals ba­go sumabak sa FIBA World Cup.

 

Show comments