^

PM Sports

12-day media tour para sa laban nina Pacquiao, Algieri

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang two-week media tour ang gagawin ni­na world welterweight cham­pion Manny Pacquiao at challenger Chris Al­gieri upang humakot ng interes para sa kanilang bak­bakan sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.

Ang 12-day tour ay da­dalhin sa Shanghai, San Francisco, Las Vegas, Los Angeles at New York.

Sisimulan ang nasabing media tour nina Pacquiao at Algieri sa Lunes sa Florence Ballroom ng The Venetian.

Kinabukasan ay mag­da­raos sina Pacquiao at Al­­gie­ri ng press confe­rence sa Ballroom C ng She­raton Shanghai Pu­dong Hotel sa China.

Sa Agosto 29 ay mag­tu­tungo ang 5-foot-6 1/2 na si Pacquiao at ang 5’10 na si Algieri sa United States para sa kanilang me­dia tour kasama ang NFL team na San Francisco Giants sa AT&T Park sa San Francisco.

May mga press confe­rence din ang dalawa sa The Venetian Las Vegas sa Agosto 30, sa Hyatt Re­­gency Century Plaza Ho­tel sa Los Angeles sa Setyembre 3 at sa Set­yembre 4 sa Liberty Thea­tre sa New York City.

Maghahagis naman si Pacquiao ng ceremonial pitch para sa laro ng Los Angeles Dodgers at ng Wa­shington Nationals sa Dod­ger Stadium sa Set­yembre 1.

Idedepensa ni Pacquiao (56-5-2, 38 knockouts) ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight title kay Algieri (20-0-0, 8 KOs).

 

ALGIERI

BALLROOM C

CENTURY PLAZA HO

CHRIS AL

FLORENCE BALLROOM

LOS ANGELES

PACQUIAO

SAN FRANCISCO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with