^

PM Sports

San Beda, Arellano tabla pa rin sa liderato

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakadalawa ang San Beda Red Lions sa Mapua Cardinals, 74-69 para manatiling nasa unahan sa pagbubukas kahapon ng second round  ng eliminations ng 90th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Inilabas ni Ola Adeogun ang larong inaasahan sa kanya nang maghatid ng 19 puntos at 10 rebounds habang si Ryusei Koga ay nagtala ng season-high na 19 puntos para ibigay sa four-time defending champion Red Lions ang ikawalong panalo matapos ang 10 laro.

May 7-of-11 shooting si Adeogun at naipasok ang limang free throws sa laro para tulungan din ang San Beda na makabangon mula sa 53-64 pagkatalo sa Letran Knights sa pagtatapos ng first round.

Hindi ginamit sa nasabing laro ang 6’8” center na si Adeogun bilang parusa matapos itong mawala sa tatlong ensayo ng koponan.

“I want to help my team get back on track,” wika ni Adeogun sa kung bakit naging pursigido siya sa nasabing laro.

Hindi nagpahuli si Koga na ibinagsak ang 12 sa kanyang 17-puntos sa second half para iwanan ang Cardinals na nalaglag sa 1-9 baraha.

“Ola is our main man in the middle and we real-ly need him. As for Koga, he played very well and I have to also give him credit,” pahayag ni San Beda coach Boyet Fernandez.

Kinailangan naman ng Arellano Chiefs na buma-ngon mula sa double-digit na kalamangan ng San Sebastian Stags tungo sa 101-98 panalo  sa ikalawang laro para  manatiling  nakasosyo sa liderato sa  8-2 baraha.

Si Keith Agovida ay may double-double na 16 puntos at 10 boards pero sa huli ay nakatulong niya sina Jiovani Jalalon, Allen Enriquez at John Pinto para ipalasap ng Arellano sa Stags ang ikapitong pagkatalo laban sa tatlong panalo.

Isang three-point play at tres ang ginawa ni Jalalon para  magtabla ang Chiefs at Stags sa 94-all.

Ibinigay ni Agovida ang 96-94 bentahe at kahit naitabla ni CJ Perez ang iskor, gumanti ng 3-point play si Enriquez para gawing tatlo ang agwat, 99-96.

Lumapit ang Stags  sa buslo ni Bobby Balucanag ngunit bumanat pa ng dalawang free throws si Pinto sa foul ni CJ Perez  na nagtiyak ng panalo. (AT)

 

San Beda 74- Adeogun 19, Koga 17, A. Semerad 8, Amer 6, Mendoza 6, dela Cruz 6, Cabanag 3, D. Semerad 3, Mocon 2, Sara 2, Pascual 2.

Mapua 69- Eriobu 22, Isit 12, Cantos 12, Canaynay 7, Gabo 4, Layug 4, Estrella 4, Biteng 2, Saitanan 2.

Quarterscores: 17-18; 39-34; 62-46; 74-69.

Arellano U 101- Jalalon 19, Agovida 16, Holts 15, Pinto 14, Enriquez 11, Hernandez 8, Nichols 6,  Ciriacruz 4, Gumaru 2, Salcedo 2, Palma 2 Cadavis 2.

San Sebastian 98- Perez 23, Ortuoste 20, Guinto 18, Dela Cruz 15, Yong 12, Costelo 4, Balucanag 2, Calisaan 2, Pretta 2.

Quarterscores: 22-25; 44-56; 72-78; 101-98.

ADEOGUN

AGOVIDA

ALLEN ENRIQUEZ

ARELLANO CHIEFS

KOGA

PARA

PEREZ

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with