Mainit ang pagtanggap kay Ballmer ng Clippers fans

LOS ANGELES - Pinawisan, pumalakpak at sumigaw hanggang siya ay mapaos, ipinakilala ni Steve Ballmer ang kanyang sarili sa Los Angeles Clippers fans sa isang rally noong Lunes sa pagdiriwang niya bilang bagong may-ari ng NBA team.

Lumusot ang dating Microsoft CEO sa mga tao papasok sa Staples Center sa kantang “Lose Yourself’’ ni Eminem at nakipagpalitan ng high-fives at chest-bumping sa pag-akyat niya ng stage sa harap ng 4,500 fans.

Nagbayad si Ballmer ng record $2 bilyon para sa Clippers.

Hindi binanggit sa rally ang pangalan ng da-ting team owner na si Do-nald Sterling, kinontrol ang koponan sa loob ng 33 taon bago napatawan ng lifetime ban ng NBA dahil sa kanyang racist remarks.

“We’re looking forward,’’ sabi ni Ballmer kasabay ng pagtanggal niya ng asul na sombrero ng Clippers. “Everything is about looking forward.’’

Sa Toronto, pinapirma ng Raptors si Jordan Hamilton, isang swingman na naglaro sa Denver at Houston sa nakaraang season.

Sa Auburn Hills, Michigan, nagkasundo na ang Detroit Pistons at sina forward Cartier Martin at center Aaron Gray.

Show comments