MANILA, Philippines - Nasulit ang magandang ipinakikita ni Earl Scottie Thompson para sa Perpetual Help Atlas nang siya ang lumabas na namamayagpag sa Most Valuable Player race sa 90th NCAA men’s basketball.
Nakalikom si Thompson ng 57 Total Statistical Points (TSP) matapos ang impresibong 17.33 puntos (4th sa liga), 11 rebounds (5th), 5.56 assists (2nd) at 2.11 steals (2nd).
Ang Altas ay may 5-4 karta matapos ang first round para makasalo sa ikaapat at limang puwesto ang St. Benilde Blazers.
Karibal niya ang kakamping si Ha-rold Arboleda habang si Juneric Baloria na kukumpleto sa ‘big three’ ng Perpe-tual ay nasa ikalimang puwesto sa karera.
May 49.56 TSP si Arboleda na naghahatid ng 14.11 puntos (8th), 9.44 rebounds (8th) at 5 assists (5th) habang si Baloria na una sa scoring sa 22.22 puntos ay may 43.56 TSP.
Nasa ikatlong puwesto si Ola Adeogun ng San Beda Red Lions sa 47 TSP habang si Jiovani Jalalon ng Arellano Chiefs ang nasa ikaapat na puwesto bitbit ang 46.89 TSP.
Ang iba pang manlalaro na kukumpleto sa unang sampung puwesto ay sina Noube Happi ng EAC Generals (43.22 TSP), Arthur dela Cruz ng San Beda Red Lions (42.75), Joseph Gabayni ng Lyceum Pirates (41.89), Dioncee Holts ng Arellano Chiefs (41.78) at Bradwyn Guinto ng San Sebastian Stags (40.67). (AT)