PBA Draft aspirants makikilatisan ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang dumaan ang record na 95 draft aspirants sa biometrics, skills tests at scrimmages sa Gatorade PBA Draft Combine na nakatakda ngayon at bukas sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong City.

Ang mga aplikante ay hahatiin sa dalawang grupo para sa aktibidad na sisimulan sa ganap na alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Sinasabing hindi isasama si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao, ang tatayong head coach ng Kia Motors, sa nasabing aktibidad dahil may espesyal na araw na itinakda para sa kanya ang PBA.

Ang pamangkin ni Pacquiao na si Rene, naglaro para sa Hog’s Breath Cafe sa PBA D-League ay nasa lista-han ng mga aplikante.

Ihahayag ng PBA Commissioner’s Office ang official list matapos ang da-lawang araw para sa 2014 Rookie Draft na nakatakda sa Agosto 24 sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila.

May 15 Fil-foreign players ang kasama sa listahan.

Ang mga ito ay sina Stanley Pringle, Philip Morrison, Jeremy Bartolo, Jonathan Semira, Richard Cole, Anthony Gavieres, Giorgio Umali, Franklin Bo-nifacio, Kyle Pascual, Andrew Avillanoza, Chris Banchero, Rome de la Rosa, David Semerad at Anthony Semerad.

Inaasahan nang huhugutin ng Globalport ang 6-foot-1 na si Pringle bilang No. 1 overall pick, habang tiyak na makukuha rin sa first round sina Banchero, Kevin Alas, Matt Ganuelas, Ronald Pascual at Jake Pascual.

Inaasahan namang tatapunan ng atensyon si Ritchie Paul Gutierrez, ang anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.  

Show comments