DUBAI - Sasagupain ng Team Philippines ang nagdedepensang United States sa kanilang ikatlong laro sa preliminaries ng FIBA U17 World Championship sa Al Shabab Arena.
Nanggaling sa mga kabiguan sa Angola at Greece, muling gagamitin ng Batang Gilas ang kanilang liksi sa kanilang pagharap sa Americans sa alas-6:45 ng gabi (alas-10:45 ng gabi sa Manila).
Ang panalo ng United States ang magbibigay sa kanila ng top spot sa Group A at makakatapat sa se-cond round ang Japan.
“To be realistic, we’re not expecting to win,” sabi ni Mikkel Panlilio. “But this game against the Americans will give us a good experience which we can use in our respective careers. They are future NBA stars. Playing against them will be a confidence-booster for us.”
Inangkin ng Americans ang gold medal ng torneo noong 2010 sa Hamburg at noong 2012 sa Kaunas sa mga dominanteng paraan.
Muling ipaparada ng United States sina Malik Newman, Ivan Rabb at Diamond Stone matapos talunin ang Greece, 83-73 at Angola, 99-56.
“It will be a mixed feeling if these Americans dunked over me,” wika ni Jolo Mendoza, ang leading scorer ng Batang Gilas. “Playing on the same court with these future superstars is a different kind of feeling. It’s pretty special. We’ll surely enjoy every single minute of it.”
Huling nakaharap ng Pilipinas ang United States sa isang major international competition noong 1978 nang pamahalaan ng Manila ang FIBA World Championship.
Nanalo ang Americans, 100-70, sa semifinals na idinaos sa Rizal Memorial Sports Complex.
“This experience is something you can tell to your future children over and over again,” dagdag ni Mendoza.