^

PM Sports

NU malinis pa rin sa UAAP Womens basketball

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinaluhod ng National University ang defending champion De La Salle, 77-55 para manatiling walang talo sa pagtatapos ng unang round ng eliminations ng UAAP Season 77 women’s basketball tournament noong Linggo sa Blue Eagle Gym.

Nagtala si Gemma Miranda ng 20 points at 17 rebounds at nagdagdag si Afril Bernardino ng 17 points at eight boards para ‘di maghabol ang Lady Bulldogs sa kabuuan ng laro tungo sa kanilang ikapitong sunod na panalo.

Tanging si Camille Claro ang nagtala ng double digit sa Lady Archers  na bumagsak sa 6-1 record sa kanyang 11 points.

Umiskor si Lore Rivera ng 14 points at humatak ng 20 boards habang si Maica Cortes ay nagdagdag ng 13 points nang igupo ng University of Santo Tomas ang Adamson University, 59-47, para sa 4-3 record sa third spot.

Sa iba pang laro, tinalo ng Ateneo ang University of the East, 50-35, habang pinabagsak ng Far Eastern University ang University of the Philippines, 65-61.

Ang Lady Eagles, Lady Tamaraws at Lady Falcons ay may magkakaparehong 3-4 records habang ang Lady Warriors ay nasa seventh place sa 2-5 slate habang kulelat ang Lady Maroons.

Bumalik ang dating porma ni Danica Jose  sa pagtatala ng double-double na 16 points at 18 rebounds  para tulungan ang Ateneo na pigilan ang four-game losing streak.

ADAMSON UNIVERSITY

AFRIL BERNARDINO

ANG LADY EAGLES

ATENEO

BLUE EAGLE GYM

CAMILLE CLARO

DANICA JOSE

DE LA SALLE

FAR EASTERN UNIVERSITY

GEMMA MIRANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with