‘I love you, I’m back’ -- James

AKRON, Ohio – Sa gabing punung-puno ng emosyon at inspirasyon, may magandang sinabi si LeBron James.

Napapaligiran ng kanyang mga pamilya, kaibigan at fans sa kanyang welcome party, sinabi ni James ang bagay na matagal na niyang nais sabihin.

“I love you,’’ sabi ni James sa 25,000 crowd sa kanyang napakalaking home coming party. “I’m back.’’

Ibinaba ni James ang microphone at bumaba ng stage kasabay ng pagputok ng fireworks na nagpaliwanag sa  InfoCision Stadium.

Bumalik na si James sa Cleveland at hindi na siya aalis uli.

Sinabi ng NBA superstar, na pumirma uli sa Cleveland noong nakaraang buwan  na plano niyang tapusin ang kanyang career kasama ang Cavaliers na kanyang binalikan matapos manalo ng dalawang titulo sa Miami.

Pumirma siya ng two-year, $41 million contract na may option makalipas ang isang taon.

May spekulasyon na muli niyang susubukan ang free agency pero nabura ito matapos magsalita si James.

“I don’t plan on going nowhere,’’ ani James. “I don’t have the energy to do it again.’’

Show comments