UAAP Men’s badminton: Nagparamdam agad ang Ateneo

MANILA, Philippines - Magarbong binuksan ng Ateneo ang kanilang kam­panya para sa back-to-back men’s title matapos ang 4-1 panalo sa University of Santo Tomas kaha­pon sa UAAP Season 77 badminton tournament sa Ri­zal Memorial Badminton Hall.

Nagtala si Carlo Remo ng 21-17, 22-20 tagumpay kontra kay John Paul Yabut sa labanan ng mga roo­kies sa unang singles match para makauna ang Blue Eagles.

Magaan namang nanalo si reigning MVP Patrick Natividad kay  Lee Sabanal, 21-10, 21-17 sa second singles bago nakopo ng Ateneo ang panalo nang igupo ng doubles tandem nina Justin Natividad at Theo Co sina JM Sotea at PJ Pantig, 21-14, 12-21, 21-12.

Yumukod naman sina Patrick Gecosala at Patrick Natividad kina Keith Reyes at Patrique Magnaye, 20-22, 14-21 sa second doubles bago isinelyo ni Justin Natividad ang panalo sa final singles sa pamamagitan ng 21-9, 20-22, 21-16 decision kontra kay Pantig.

 Sa iba pang laro, tinalo ng Season 75 titlist Natio­nal University ang University of the Philippines, 4-1, iginupo ng De La Salle ang Adamson, 4-1 at pinasadsad ng University of the East ang Far Eastern Uni­ver­sity, 3-2.

Show comments