MANILA, Philippines - Nagwakas ang halos dalawang taon na kamalasan ng UP Maroons sa kinuhang 77-64 panalo sa Adamson Falcons sa 77th UAAP men’s basketball kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Gumawa ng career highs sina Mikee Reyes at JR Gallarza sa kanilang 28 at 24 puntos para sa Maroons na gumamit ng malalaking scoring runs upang iwanan ang Falcons.
Ang 12-0 bomba na pinagtulungan nina Reyes at Gallarza ang nagbigay sa UP ng kanilang pinakamalaking kalamangan na 24 puntos, 60-36, para tapusin ang 27-game losing skid.
Hindi na nakabangon pa ang Adamson.
Noong Agosto 19, 2012 huling nagwagi ang Maroons kontra sa UE Red Warriors, 63-48.
Hindi nakasama sa makasaysayang panalo si coach Rey Madrid dahil sa sinilbihang two-game suspension matapos akusahan ang officials ng ‘point shaving’.
Binigo naman ng FEU Tamaraws ang hinangad na unang puwestong pagtatapos ng National University Bulldogs sa bisa ng 71-62 panalo sa ikalawang laro.
May career-high na 16 puntos si Carl Cruz mula sa 5-of-11 shooting para punuan ang mahinang laro ni Mark Belo na may season low na 9 puntos.
Si Archie Iñigo ay naghatid ng 14 puntos at hindi sumablay sa apat na pukol sa 3-point line, habang may 10 puntos si Mike Tolomia.
Si Cruz ang siyang nakitaan agad ng malakas na panimula nang ibinagsak ang 11 sa kanyang puntos para bigyan ang FEU ng 42-22 abante.
Malamig ang laro ng Bulldogs dahil si Gelo Alolino lamang ang nasa double digits para sa koponan sa kanyang 13 puntos para sa kanilang ikalawang pagkatalo.
UP 77 – Reyes 28, Gallarza 24, Lao 10, Juruena 4, Asilum 4, Gingerich 2, Moralde 2, Lim 2, Amar 1, Vito 0, Harris 0.
Adamson 64 – Trollano 24, Rios 20, Monteclaro 5, Nalos 4, Villanueva 3, Iñigo 3, Ochea 2, Baytan 2, Polican 1, Barrera 0, Garcia 0, Aquino 0, Pedrosa 0.
Quarterscores: 19-13; 42-32; 66-46; 77-64.
FEU 71 – Cruz 16, Iñigo 14, Tolomia 10, Belo 9, Pogoy 6, Jose 6, Hargrove 5, Tamsi 5, Ru. Escoto 0, Dennison 0, Delfinado 0, Ugsang 0.
NU 62 – Alolino 13, Khobuntin 9, Javelona 8, Diputado 7, Betayene 7, Rosario 6, Neypes 6, Aroga 4, Atangan 2, Alejandro 0, Perez 0, Celda 0.
Quarterscores: 21-16; 42-22; 55-42; 71-62.