NEW YORK -- Naalala ni David Stern ang panahon nang pinilit ng mga NBA staff na panatilihing buhay ang ilang koponan para mapanood sa national TV.
Ngayon ay binabalikan ng dating Commissioner ang liga ang 1980 championship series na hindi naisaere ng live ngunit ngayon ay may mga laro na ipinapalabas sa buong mundo. Ngayon ang mga players ay may average na $5 mil-yon bawat taon na salary bilang highest-paid team athletes sa sports at minsan ay hindi makapaniwala si Stern na nagawa ito ng kanyang mga kasamahan.
“You can’t even do justice to everything that everybody has done,’’ wika ni Stern sa isang phone interview. “All you can do is focus on small chunks of it, but it’s great fun to contemplate how the NBA family has pulled together to be at a place where our players are now at the top of the celebrity period.”
Nakatulong sa NBA ang pagkakaroon ng mga kagaya nina Magic Johnson, Larry Bird at Michael Jordan.
Subalit ngayon ay dumating ang panahon para parangalan ang taong responsable sa mga ito. Si Stern ay iluluklok sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame, bahagi ng 2014 class na kinabibilangan nina dating players Alonzo Mourning at Mitch Richmond, kasama sina NCAA championship-winning coaches Nolan Richardson at Gary Williams.