MANILA, Philippines - Pinapirma ng San Antonio Spurs si point guard Tony Parker sa multi-year contract extension, ayon sa pahayag ng Spurs nitong Biyernes ngunit walang ibinunyag na terms ng deal.
Nag-average si Parker ng16.7 points at 5.7 assists sa 29 minutes per game noong nakaraang season upang tulungan ang Spurs na makopo ang NBA title.
Ginugol niya ang 13 seasons ng kanyang career sa Spurs at inaasahang kikita ng $12.5 million sa susunod na season na final year ng kanyang buhay na contract.
Siniguro ng Spurs na mananatili siya sa team ng mas matagal pa matapos bigyan ang 32-gulang na si Parker ng bagong kontrata.