^

PM Sports

Nagpakitang-gilas ang El Mundo

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naipakita ng kabayong El Mundo ang taglay na husay nang dominahin ang 2-Year Old Maiden race noong Sabado sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si Fernando Raquel Jr. ang siyang sumakay sa pagkakataong ito at pinahanga nito ang bayang karerista matapos ang banderang tapos na panalo sa 1,000-metrong karera.

Naorasan ang nagwaging kabayo na pag-aari ni Hermie Esguerra ng 1:04 sa kuwartos na 13, 22’ at 25 para maibulsa rin ang P10,000.00 gantimpala na handog ng Philippine Racing Commission (Philracom).

May ipinamahagi na P13.00 ang win habang P32.00 ang ipinasok sa 3-4 forecast.

Mga two-year old horses ang pinagtutuunan nga-yon ng pansin dahil malapit nang lumarga ang Philracom Juvenile Fillies at Colts series.

Nagpasiklab din ang Dome Of Peace sa pagkamada ni Bryan Leiroy Yamzon sa class division 1 race na inilagay sa 1,200-metro karera.

Huling nagwagi ang kabayong may lahing Domesday at World At War noon pang Hunyo  27 sa isang special race at ang ‘di inaasahang panalo ay naghatid ng P52.00 habang ang 8-1 forecast ay mayroong P862.00 dibidendo.

 

vuukle comment

BRYAN LEIROY YAMZON

DOME OF PEACE

EL MUNDO

HERMIE ESGUERRA

PHILIPPINE RACING COMMISSION

PHILRACOM JUVENILE FILLIES

SANTA ANA PARK

SI FERNANDO RAQUEL JR.

WORLD AT WAR

YEAR OLD MAIDEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with