^

PM Sports

Rios pabor kay Algieri

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang height advantage ni Chris Algieri ang kanyang gagamitin para talunin si Manny Pacquiao.

Sinabi ni dating world lightweight titlist Brandon Rios na tiyak na gagamitin ng 5-foot-10 na si Algieri ang kanyang tangkad at mahabang galamay para ilayo at pigilin ang atake ng 5’6 na si Pacquiao.

“I like underdogs, so I’m going for Algieri for this fight. We know it’s not gonna be a knockout but I think he’s just gonna box him, stay on the outside and use his reach,” sabi ni Rios.

Itataya ni Pacquiao (56-5-2, 38 knockouts) ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban kay Algieri (20-0-0, 8 KOs) sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.

Nauna nang sinabi ni Pacquiao na hindi na bago sa kanya ang lumaban sa isang matangkad na boksingero matapos niyang talunin sina 5’11 Antonio Margarito at 5’8 Oscar Dela Hoya.

Ito ang ikalawang laban ng 35-anyos na Filipino world eight-division champion ngayong taon matapos resbakan si Timothy Bradley, Jr. sa kanilang rematch noong Abril para mabawi ang kanyang WBO welterweight belt.

Matapos matalo kay Pacquiao noong Nobyembre 24, 2013 sa The Venetian ay nagbalik sa boxing ring si Rios (32-2-1, 23 KOs) para talunin si Diego Chavez (23-2-0, 19 KOs) via disqualification sa ninth round kahapon sa The Cosmopolitan sa Las Vegas, Nevada.

Itinigil ni referee Vic Drakulich ang laban nang sikuhin ni Chavez ang ulo ni Rios bago matapos ang round nine.

 

vuukle comment

ALGIERI

ANTONIO MARGARITO

BRANDON RIOS

CHRIS ALGIERI

DIEGO CHAVEZ

LAS VEGAS

NOBYEMBRE

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with