CSB Blazers sumosyo sa No. 4

MANILA, Philippines - Mula sa huling puwesto matapos ang kanilang unang tatlong laro, ang St. Benilde ngayon ay pa­laban sa unang apat na pu­westo sa 90th NCAA men’s basketball.

Nagpakawala ng 21 pun­tos si Paolo Taha mu­la sa 100 percent shoo­ting para pangunahan ang maalab na opensa ng Blazers tungo sa 86-77 pananaig sa Lyceum Pirates kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 7-of-7 shooting sa field si Taha, kasama ang ala-tsambang bato bago tumawid ng half-court line para sa nata­tanging three-point shot sa laro.

Ang buslo na ito ang tu­mapos sa 24-9 palitan sa ikalawang yugto upang burahin ng Blazers ang pitong puntos kalama­ngan ng Pirates (18-25) tungo sa 42-34 bentahe.

Nakatuwang na ni Ta­ha na may naipasok pang anim na free throws sina Mark Romero, Jonathan Grey, Roberto Bartolo at Raphael Nayve sa second half para tuluyang iwanan ang Lyceum.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng tropa ni coach Gabby Velasco pa­ra sumosyo sa Jose Rizal. University. (ATan)

CSB 86 -- Taha 21, Ro­mero 14, Bartolo 13, Nayve 10, Grey 10, Sinco 6, Saavedra 5, Ongteco 5, Jonson 2, Argamino 0, Altamirano 0.

LPU 77 -- Gabayni 12, Mbbida 12, Zamora 11, Bal­tazar 10, Ko 8, Bulawan 7, Malabanan 6, Elmejrab 6, Taladua 5, Pamulaklakin 0, Soliman 0.

Quarterscores: 18-25; 42-34; 69-49; 86-77.

 

Show comments