Triathlete Huelgas suportado ng Accel

MANILA, Philippines - Sasamahan ng Team Accel si triathlete Nikko Huelgas sa lahat ng kanyang paglangoy, pagpedal at pagsisikap sa international competitions.

Kinuha ng No.1 sports outfitter ng bansa si Huelgas na maging bahagi ng kanilang listahan ng promising athletes na may potential na sumikat sa overseas tournaments.

“Nikko is the future of Philippine triathlon and we, at Sporteum Philippines, Inc., want to be with him every step of the way,’’ sabi ni Sporteum Philippines, Inc. president Willie Ortiz.

Ang 22-gulang na si Huelgas ang kasalukuyang Phi-lippine champion sa swim-bike-run event matapos dominahin ang naturang sport sa 2014 Philippine National.

Magsasanay siya ng 31- araw kasama ang lady triathlete na si Kim Mangrobang sa Rio Maior, Portugal para sa kanilang paghahanda sa 17th Asian Games sa Incheon, South Korea sa Sept. 19-Oct. 4.

 

Show comments