MANILA, Philippines - Paiigtingin ni Olympian Michael Martinez ang kanyang paghahanda para sa International Skating Union (ISU) Grand Prix of Figure Skating, ang bigating top-level competition na gagawin mula sa Oct. 24 hanggang Dec. 14.
Paglalabanan ang mga medals at points sa men’s singles, ladies’ singles, pair skating at ice dancing kung saan ang top six sa bawat division ay makakapasok sa Grand Prix Final na gagawin sa Barcelona, Spain.
Tanging si Martinez, 19th placers sa nakaraang Winter Olympics sa Russia, ang Filipino at Southeast Asian na lumalaban sa prestihiyosong GP Series.
“The youth and the promotion of athletic excellence through our facilities, programs, events and schools are among our primary advocacies. Michael Martinez is a homegrown talent and a role model for today’s youth as he sets his sights even higher. We fully support his dreams to conti-nue to represent the Philippines and to place in the next Winter Olympics,” sabi ni SM Prime Holdings, Inc. President Hans T. Sy.
Nakatakdang lumaban si Martinez sa Hilton Hhonors Skate America sa Chicago, Illinois mula October 24-26 na una sa anim na events na kabilang sa 2014 Grand Prix Series.
Isa si Martinez sa iilang inimbitahan ng organizing committee na lumahok sa event na ito.
Ang iba pang laban ay sa Skate Canada, LEXUS Cup ng China, Trophee Eric Bompard sa France, Rostelecom Cup sa Russia at NHK Trophy sa Japan.
Lumilikom ng puntos ang mga skaters sa Grand Prix Series para makapasok sa Grand Prix of Figure Skating Final na gagawin sa December 11-14 sa Spain.