MANILA, Philippines - Dinagdagan ni Jeron Teng ang abilidad sa pag-lalaro ng basketball sa kakayahan na magpasa upang bitbitin ang nagdedepensang kampeon La Salle sa dalawang sunod na panalo sa 77th UAAP men’s basketball.
Tinalo ng Archers ang National University Bulldogs, 57-55, bago isinunod ang host UE Warriors, 60-58 at mahalagang papel ang ginawa ni Teng para gawaran ng UAAP Press Corps-Accel Quantum Plus/316 para sa linggo July 23-27.
“That (playmaking) is what our team needs right now,” wika ni Teng na siyang nagbigay ng mga mahahalagang assists sa endgame sa huling dalawang laro upang makabangon na ang Archers mula sa 0-2 panimula.
Butas ang puwesto sa point guard ng La Salle dahil hindi makakapaglaro si Thomas Torres sa loob ng anim na linggo bunga ng napilay na kanang paa na nangyari sa laro kontra sa Ateneo Eagles.
Ngunit hindi apek-tado ang Archers dahil kay Teng. Ang kanyang magandang pasa sa nag-cut na si Jason Perkins ang nagsalba sa La Salle sa Bulldogs.