MANILA, Philippines - Bumangon ang Green Archers mula sa isang 10-point deficit sa third period para kunin ang kanilang ikalawang sunod na panalo.
Kumamada sa fourth quarter, pinayukod ng nagdedepensang De La Salle University ang University of the East, 60-58, sa 77th UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kahapon.
Matapos ilista ng Red Warriors ang 46-36 abante sa pagtatapos ng third quarter ay nagtuwang sina Jeron Teng, Arnold Van Opstal, Norbert Torres at Prince Rivero sa final canto para ibigay sa Green Archers ang 58-54 bentahe sa huling 1:24 minuto.
Huling nakadikit ang UE sa 58-60 agwat mula sa dalawang free throws ni Roi Sumang.
Sa unang laro, kumamada ang Far Eastern University sa third quarter para talunin ang University of the Philippines sa bisa ng 85-71 tagumpay.
Umiskor ang Tamaraws ng 25 points sa kabuuan ng naturang yugto kasabay ng paglimita sa Fighting Maroons sa 8 markers.
Nang kunin ng FEU ang 70-46 kalamangan ay hindi na nilingon ang UP.
“We treated this game as a very important one especially coming off a loss,” sabi ni mentor Nash Racela sa kanyang Tamaraws na nagmula sa 67-69 kabiguan sa UST Tigers noong Hulyo 20.
Nalasap ng Fighting Maroons ang kanilang ika-25 sunod na kamalasan.
FEU 85 – Tolomia 18, Belo 12, Pogoy 11, Cruz 11, Hargrove 10, Dennison 7, Tamsi 4, Jose 4, Iñigo 3, Denila 3, Delfinado 2, Ru. Escoto 0, Ri. Escoto 0, David 0, Ugsang 0, Lee Yu 0.
UP 71 – Gallarza 18, Moralde 14, Lao 10, Juruena 8, Amar 7, Asilum 6, Gingerich 3, Vito 3, Reyes 2, Dario 0, Lim 0, Harris 0.
Quarterscores: 28-21; 45-38; 70-46; 85-71.
DLSU 60 – Teng 18, N. Torres 14, Vosotros 12, Rivero 8, Van Opstal 5, Perkins 2, Tratter 1, Montalbo 0, Andrada 0, Bolick 0.
UE 58 – Sumang 16, Varilla 8, Mammie 8, Olayon 7, Galanza 5, Jumao-as 4, Alberto 4, Arafat 3, Javier 2, De Leon 1.
Quarterscores: 12-14; 26-28; 36-46; 60-58.