Ridnour kinuha ng Magic

ORLANDO, Fla. - Pinunan ng Orlando Magic ang kanilang backcourt rotation sa pagkuha kay free agent guard Luke Ridnour.

Siya ang magiging ikatlong point guard ng Magic sa likod nina Victor Oladipo at rookie Elfrid Payton.

Nakita ang 33-anyos na si Ridnour sa 61 games pa­ra sa Milwaukee at Charlotte sa nakaraang season.

Sinimulan niya ang season sa Bucks.

Show comments