^

PM Sports

Ikaapat na dikit na panalo asam ng Cagayan

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang pang-apat na sunod na panalo na magreresulta para makasalo sa ika­lawang puwesto ang ba­lak ng nagdedepensang Ca­gayan Valley Lady Ri­sing Suns sa pagharap sa UP Lady Maroons sa Sha­key’s V-League Season 11 Open Conference nga­yon sa The Arena sa San Juan City.

May 4-1 baraha ang La­dy Rising Suns at ga­ling sila sa impresibong 27-25, 20-25, 25-23, 25-22 tagumpay sa da­ting walang talo na Army La­dy Troopers upang mai­preserba ang pagiging na­tatanging koponan na wi­nalis ang ligang inorga­nisa ng Sports Vision at han­dog ng Shakey’s.

Mas malalim ang ta­lento ng Cagayan kum­pa­ra sa Lady Maroons na hindi pa nakakatikim ng panalo matapos ang li­mang laro.

Ang isa pang kabigu­an ng UP ay magreresulta upang samahan nila ang PNP Lady Patrollers na na­maalam na sa ligang may suporta ng Accel at Mi­­kasa.

Kapag nangyari ito, lib­re nang aabante sa quar­terfinals ang mga col­le­giate teams na Ateneo La­dy Eagles at National University Lady Bulldogs na siyang magtatapat sa ikalawang laro sa alas-4 ng hapon.

Ang mangungunang anim na koponan matapos ang eliminasyon ang uusad sa quarterfinals bitbit ang kanilang win-loss records.

Isang round ang ma­gaganap sa mga umabante at ang apat na ma­ngungunang koponan ang maglalaban-laban sa crossover semifinals.

Ang ikatlong panalo ang makukuha ng mag­wa­wagi sa hanay ng Ate­neo at  NU at ang sentro ng laro ay ang tapatan ng na­ngunguna sa scoring sa liga na sina Alyssa Valdez at Jaja Santiago.

Ang kamador ng Ate­neo na si Valdez ay nag­hahatid ng 25 puntos ma­tapos ang apat na laro at siya ang namama­yag­pag sa attack points sa nai­talang 86, habang si San­tiago ay may average na 18 points sa unang limang laro sa torneo.

ALYSSA VALDEZ

ARMY LA

ATENEO LA

JAJA SANTIAGO

LADY MAROONS

LADY PATROLLERS

NATIONAL UNIVERSITY LADY BULLDOGS

OPEN CONFERENCE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with