MANILA, Philippines - Matapos kunin si Norman Black mula sa Talk ‘N Text ay si Luigi Trillo naman ang hinugot ng Meralco para palakasin ang kanilang kampanya sa darating na 40th season ng PBA na magsisimula sa Oktubre.
Sa kanyang Twitter account na @luigitrillo, ibinunyag ni Trillo na sasamahan niya si Black sa bench ng Bolts bilang assistant.
“Officially joining the @meralcobolts family. Excited to work with Coach Norman and the team #timetoboltin #pba,” wika ni Trillo.
Si Trillo ay pinalitan ni American coach Alex Compton sa bench ng Alaska matapos ang dalawang laro sa nakaraang 2014 PBA Governors’ Cup na muling pinagharian ng San Mig Coffee sa ikalawang sunod na pagkakataon patungo sa kanilang Grand Slam.
“Welcome to the team coach @luigitrillo excited to have you on board with the team! See you soon. Just landed here in Miami,” sabi naman ni Jared Dillinger sa kanyang Twitter account na @JDHawaii20.
Ang Gilas Pilipinas ay nasa Miami, Florida para sa kanilang training camp.
Nakapagbigay si Trillo ng isang korona para sa Aces noong 2012 PBA Commissioner’s Cup.
Matapos umalis sa Alaska ay nagsibling game analyst ang dating La Salle Green Archer sa PBA TV panel.
Maliban kay Trillo, makakatulong din ni Black, isang Grand Slam champion coach sa San Miguel Beer, sa bench ng Meralco sina assistant Ronnie Magsanoc, Patrick Fran, Xavier Nunag at Gene Afable.
Ang kanyang nakababatang kapatid na si Paolo Trillo ay tumatayong team manager ng Bolts matapos ilipat mula sa Tropang Texters.