^

PM Sports

Magpapasikatan ang mga 3YO kabayo

Pang-masa

MANILA, Philippines - KATATAMPUKAN ang paglipat ng pista sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ng pagpapasikat ng mga tatlong taong kabayo na magbabalikatan sa ikatlong yugto ng Philracon Hopeful Stakes at Triple Crown Championship.

Sa araw na ito magsisimula ang dalawang araw na pista sa bakuran ng Manila Jockey Club Inc. at ang mga magsusukatan ay ang Great Care, Love Na Love, Pax Britanica, Good Connection, That Is Mine, Real Lady, Misty Blue at Marinx.

Ang tampok na karera ay gagawin bukas at ang mga mata ay nakatuon sa husay ng Kid Molave na magsisikap na gumawa ng makasaysayang pagtatapos sa 2014 edisyon ng Triple Crown.

Hahamon sa kaba­yong nagkampeon sa first at second leg ay ang coupled entries Kanlaon at King Bull, Matang Tubig, Low Profile, Kaiserslautern at coupled entries  Macho Machine at Mr. Bond.

Parehong inilagay ang distansya ng karera sa 2,000-metro at ang mananalo sa Hopeful ay magkakamit ng P600,000.00 mula sa P1 milyong kabuuang premyo habang P1.8 mil­yon ang kukubrahin ng magkakampeon sa Triple Crown.

Walang naging problema sa Kid  Molave nang dominahin ang naunang yugto sa mas maigsing 1,600-metro at 1,800-metro distansya.

Tiyak na inihanda ng handlers ng Kid Molave ang kabayo para sa mahalagang labang ito ngunit tiyak din ang matinding hamon mula sa ibang kalahok lalo na sa mga entrada ni Mandaluyong City M­ayor Benhur Abalos na Kanlaon at King Bull at ang panlaban ni Hermie Esguerra na Macho Machine at Mr. Bond.

Ang Marinx naman ay napapaboran sa Hopeful Stakes matapos ang mga panalo sa huling karerang tinakbuhan. (AT)

ANG MARINX

BENHUR ABALOS

GOOD CONNECTION

GREAT CARE

KID MOLAVE

KING BULL

MACHO MACHINE

MR. BOND

TRIPLE CROWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with