Jameer Nelson pumirma sa Dallas Mavericks

DALLAS -- Pinapirma ng Dallas Mavericks ang dating All-Star point guard na si Jameer Nelson bilang free agent.

Hindi sinabi ang terms ng deal na naayos nitong Huwebes ngunit ang balita ay isang taong kontrata ito para sa  salary cap exception  ng team na $2.7 million na may player option para sa isa pang taon na tinatayang sa pareho ring halaga.

Ginugol ni Nelson ang kanyang 10 seasons sa Orlando matapos kunin ng Magic ang kanyang rights mula sa Denver, na kumuha sa kanya bilang 20th overall pick noong 2004. Ang 32-gulang na si Nelson ay may career averages na 12.6 points at 5.4 assists.

Ini-waive ng Orlando ang career leader sa assists noong June 30.

 

Show comments